37

Feb 16, 2020 @ 14:40
By

Para patunayang okay lang sila: Pinay crew ng coronavirus cruise ship, sumayaw pa!

Pinatunayan ng isang Pinay na crew member ng isang cruise ship na tinamaan ng coronavirus outbreak na pagdating sa mga problema ay kayang-kaya ng mga Pilipino.

Sa tweet ni Mae Fantillo, na kasalukuyang naka-quarantine sa Diamond Princess cruise ship na nakadaong sa Japan matapos ilang katao ang nagpositibo sa COVID-19, makikita na sumasayaw pa sa ‘Yummy’ ni Justin Bieber, kasama ang kanyang mga katrabaho para patunayang okay ang kanilang kalagayan.

“We all know that we were facing a crisis here in Diamond Princess due to NCoV but hey we still managed to smile, laugh, and dance,” saad ni Fantillo.

“For our family and friends to know that we were ok here, we will stand together as one until we finish the quarantine,” aniya pa.

Ang video ay may 4,700 likes na at 1,700 retweet, na hinangaan ng mga netizen dahil sa katapangan ng Pinay at mga nasa loob ng crew ship.


Maging ang manager ni Bieber na si Scooter Braun ay natuwa din sa nasabing video.

“Thinking of you all and keeping you in our prayers. Keep dancing and smiling. Thank you! I’m passing this video on,” ayon kay Braun.

Nasa 219 katao na nasa cruise ship ang nagpositibo sa coronavirus sa 3,600 nakasakay dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?