299

By

Para patunayang hindi pa laya: Sanchez pinasilip sa publiko

Ipinakita nitong Huwebes sa mga mamamahayag si convicted rapist-murderer ex-Calauan Mayor Antonio Sanchez habang nasa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

Ito umano ay para mapatunayan ng pamunuan ng Bureau of Corrections (BuCor) na nananatili pa ring nakakulong si Sanchez.

Nakita dito na palakad-lakad sa loob ng Maximum Security Compound ng NBP ang dating alkalde taliwas sa kumakalat sa social media na nakalaya na ang nasabing rapist-murderer.

Kumaway pa si Sanchez nang tawagin ang kanyang pangalan na kitang-kita ng mga mamahayag.

Base sa rekord, naka-26 na taon na si Sanchez sa kulungan at pag-aaralan pa kung siya ay makakalaya.

Nabatid na si Sanchez ay nasa edad na 73.

Una nang sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na maaaring mapasama si Sanchez sa mapapalayang mga bilanggo na kuwalipikado sa good conduct time allowances na naisabatas noong 2013.

Sa ilalim nito, nagtatapyasan ang oras sa bilangguan ng mga bilanggo na nakulong noong dekada 90 ng aabot sa 19 na taon nang iutos ng Korte Suprema ang pagiging “retroactive” nito.

Nahatulan si Sanchez ng pitong bilang ng reclusion perpetua noong 1995 dahil sa pagpatay kina Allan Gomez at Eileen Sarmenta, na ginahasa rin ng dating alkalde.

Hinatulan din siya ng dalawang reclusion perpetua ng Korte Suprema noong Agosto 1999 dahil sa pagpatay sa mag-amang Nelson at Rickson Peñalosa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?