116

By

Para palabasin sa boyfriend na nabuntis: Dalaga nandukot ng sanggol

Pinaghahanap na ang 17-anyos na babae matapos dukutin ang isang bagong silang na sanggol sa bayan ng Sto. Tomas, Batangas.

Ayon sa ulat, tinangay ng suspek ang one-month-old son ng biktimang si Analiza Aboy sa Barangay San Roque noong Linggo. Si Aboy ay tiyahin ng suspek.

Batay sa pahayag ng mga kaanak ng suspek, matagal na umanong kini-claim ng dalaga sa kanyang boyfriend at sa social media na buntis siya.

Matapos umanong manganak ni Aboy noong nakaraang buwan ay kinunan ito ng litrato ng suspek at ipinadala sa kanyang boyfriend.

Kinumbinsi nito ang boyfriend na anak nila ang dalang sanggol ni Aboy, pero ayon sa mga kaanak ng suspek, hindi kailanman nagbuntis ang salarin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?