75

By

Para maiwasan ang EJK: Tokhang ipapatigil ni Robredo

Walang lugar ang ‘Oplan Tokhang’ sa mga programa ni Vice President Leni Robredo sa pag-upo niya bilang Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) co-chairperson.

Sa pagharap ni Robredo sa mga miyembro ng kanyang hahawakang kumite, sinabi nito na kanyang pipigilan ang senseless killing o ang pagpaslang ng mga inosente na nadamay dahil sa drug operations.

“Because of the many senseless killings that accompanied Operation Tokhang, parang naka-reach siya ng certain level of notoriety na kapag sinabing Tokhang it is a war against the poor,” ayon kay Robredo.

“Baka panahon na para pag-isipan natin ‘yong pagpalit ng isang kampanya na mas epektibo pero walang namamatay senselessly.”

Nang tanggapin ang posisyon ay sinaad ni VP Leni na siya’y kakasa sa hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte para makapagsalba ng mga buhay.

Sa drug war ay mayroon nang nasa 5,500 mula sa mga police operations simula nang umupo si Duterte bilang Pangulo.

“Everyone has been contributing to this pero ‘yong sa akin ‘pag nagkakaroon kasi ng senseless killings, nadi-diminish ‘yong mga pagod na ibinubuhos natin dito,” aniya pa.

“That’s where I stand now, as I have said, we still have many days ahead of us, but this afternoon is really a listening exercise for me.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?