320
Para maging 'mas agresibo' ang giyera kontra droga: SAF pakilusin sa mga raid!
By

Para maging ‘mas agresibo’ ang giyera kontra droga: SAF pakilusin sa mga raid!

Upang lalong tumindi ang crackdown ng gobyernong Duterte laban sa iligal na droga, gusto ni Police Lt. General Guillermo Eleazar na isama ang Special Action Force (SAF) sa mga drug buy-bust, lalo na sa mga high value target o mga big time drug lord.

Ayon kay Eleazar, Philippine National Police (PNP) Chief Directorial Staff, kung integridad ang pag-uusapan ay walang kukuwestiyon sa mga SAF commando.

“I firmly believe that you (SAF commandos) are the most qualified unit to run after big-time drug lords. The discipline, the bravery and the integrity you have make you the most qualified warriors that President Duterte has been looking for to finally finish off the illegal drugs problems in the country,” ani Eleazar sa kanyang speech sa pagtatapos ng anim na klase sa iba’t ibang commando course.

“As members of the police elite force, you are PNP’s last bastion of integrity. The kind of discipline that you have been molded into, the warrior that was brought out from each and every one of you, and the tried-and-tested integrity that your senior has shown make you the worst nightmare of drug lords,” dagdag pa niya.

Malaking bagay umano ang mga SAF commandos sa aspetong operasyon laban sa iligal na droga at ipapamahala na lang sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) pagdating sa intelligence aspect.

Kung si Eleazar ang tatanungin, mas magiging agresibo umano ang kampanya ng gobyerno kontra sa iligal na droga kung SAF commandos ang hahabol sa mga ito, subalit ipapaubaya niya kay Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon dahil ito ang kanilang commander-in-chief.

“Illegal drugs are threat to national security and drug lords are the worst enemies of the State. So, the President is right, this is already a war,” saad pa ni Eleazar.

Una nang sinabi ni Duterte na gusto nitong tutukan ng anti-narcotics unit ng gobyerno o ng susunod na PNP chief ang pagiging agresibo at paghabol sa malalaking drug lords na nag-ooperate sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?