208

By

Para hindi boring! Mayor Sara dumepensa sa tila concert na kampanya

Idinepensa ni Davao City Mayor Sara Duterte ang programa ng pagsasayaw at pagkanta sa mga campaign sortie ng Hugpong ng Pagbabago (HNP).

Anang alkalde, estratehiya umano ito para hindi antukin ang audience nila.

“That is the decision of the secretariat. Kasi hindi naman pwedeng dire-diretso ‘yung speeches ng mga candidates kasi darating talaga ‘yung panahon na hindi na maga-grasp nung mga nakikinig ‘yung sinasabi,” ani Mayor Sara sa kampanya ng HNP sa Antipolo.

Noong nakaraang kampanya ng HNP sa Quezon City ay kumanta ng “Awitin Mo at Isasayaw Ko” si Mayor Sara habang kumanta rin sina Ronald dela Rosa at Bong Go.

Ilan sa nag-perform sa mga kampanya ng HNP sina Andrew E, Sexbomb dancers at Enzo Pineda.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?