184

By

‘Paputok nakaka-stress sa mga aso, pusa!’

“Pagkabalisa at trauma ang idudulot ng maiingay na mga paputok sa mga aso at puso na mas sensitibo ang pandinig kumpara sa mga tao.”

Ito ang babala ng Philippine Animal Welfare Society (Paws) at EcoWaste Coalition sa isang joint statement ngayong Biyernes, Disyembre 27, 2019, bilang paghahanda sa nalalapit na pagsalubong sa Bagong Taon.

“The loud bangs, booms, crackling noises and whistles from firecrackers and fireworks are distressing for cats and dogs who are gifted with highly sensitive hearing,” ani Paws Executive Director Anna Cabrera.

“The thunderous sounds and flashing lights, especially on the days and hours leading to the New Year, provide no entertainment to our furry friends who are terrified and threatened by the noisy and warlike festivities,” wika pa niya.

Dagdag naman ni EcoWaste’s Chemical Safety Campaigner Thony Dizon, may masasama ring epekto sa mga nasabing hayop ang air pollution na malalanghap mula sa mga paputok.

“The air pollution from the ignition of firecrackers and fireworks that may cause disorientation, appetite loss and upset stomach among exposed cats and dogs,” hayag ni Dizon.

“The ingestion of firecrackers and fireworks and their fragments and residues, which are loaded with hazardous substances, may also cause chemical poisoning in cats and dogs,” sabi pa niya.

Payo ng mga grupo ngayong New Year para sa mga Pinoy na may alagang aso o pusa, isama sa umagang ehersisyo ang mga hayop para makatulog sa gabi, ‘wag itali at magpatugtog ng relaxing music para lamunin ang tunog ng mga paputok.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , , ,