656

By

Papatay para sa P500? Moreno pinagalitan ang driver na kumaladkad ng enforcer

Personal na pinuntahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang barumbadong driver kung saan nakita sa CCTV footage na kinaladkad ang isang traffic enforcer sa Sta. Cruz, Manila.

Nakakulong na si Orlando Ricardo Dizon dahil sa pangangaladkad ng enforcer ng Manila Traffic and Parking Bureau na si Adrian Lim.

Inis si Moreno kay Dizon dahil iniisip na muntikan nang mamatay ang kanyang tauhan dahil sa driver, na ang violation ay hindi pagsunod sa lane marking na may multa lang na P500.

“Nagawa mong mag-kotse, hindi mo kayang magbayad ng penalty? Papaano kung napatay mo ‘yung traffic enforcer namin?…May pamilya rin ‘yun,” giit ni Moreno.

“Natatawa ako rito e. Naka-afford magka-kotse. Hindi kayang magbayad ng penalty, P500 lang ‘yun. Para sa P500 kaya niyang pumatay ng enforcer,” aniya pa.

Isa pang kinainis ni Isko ay hindi taga-Maynila ang nasabing driver at nakikidaan lamang umano sa kanilang siyudad.

“Wala kayong puwang dito sa Maynila kung ganiyan ang ugali niyo,” pahayag ng alkalde.

“May criminal intent. Nakita ko (sa CCTV footage) winawasiwas niya,” saad pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?