1,297

By

Paolo Duterte tumangging makipag-areglo kay Trillanes

Tutuluyan sa korte nina dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at presidential son-in-law Manases Carpio si Senador Antonio Trillanes IV kaugnay ng kaso nitong four counts ng libelo.

Ayon sa legal counsel na si Rainier Madrid, hindi nagkaayos ang kampo ng alkalde at ang kampo ni Trillanes sa ginawang mediation meeting noong Marso 22 na ipinag-utos ni Davao City Regional Trial Court Branch 54 Presiding Judge Melinda Alconcel-Dayanghirang.

Noong Enero 15, 2019 nang mag-plead ng “not guilty” si Trillanes sa kasong libelo na isinampa laban sa kaniya nina Paolo at Carpio.

Nag-ugat ang kaso nang akusahan ng senador ang dalawa na may kaugnayan umano sa shabu smuggling at modus para mangikil sa mga ride-hailing firm.

Matatandaang kabuuang P96,000 ang piyansa na ibinayad ng mambabatas para hindi siya arestuhin matapos ipag-utos ng korte sa Davao ang pagdakip sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?