8,026
Paolo Duterte isama sa narco list ayon sa CDO journalist, Pulong napamura
By

Paolo Duterte isama sa narco list ayon sa CDO journalist, Pulong napamura

Agad na binuweltahan ng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Paolo ang sinabi ng isang peryodista mula sa Cagayan de Oro tungkol sa narco list.

Saad ni Nelson Constantino, isang editor sa Businessweek Mindanao, na maniniwala lang siya sa narco list kung nandoon din si Pulong, palayaw ng dating Davao City Vice Mayor na si Paolo.

The younger Duterte was reacting to the post by Businessweek Mindanao editor Nelson Constantino, who shared a Rappler report on his Facebook wall about the alleged narco-politicians that President Duterte disclosed in Davao City on Thursday ahead of the May 2019 polls.

“Maniniwala kami sayo kapag kasama sa listahan sarili mong anak na si Pulong,” comment ni Constantino sa isang news report kaugnay ng paglabas ni Digong ng narco list.

“Obviously he won’t include himself,” aniya pa. Matatandaan na nadawit ang pangalan ni Paolo sa lumusot na P6.4B shabu noong 2017.

Bumalikwas si Paolo, sinabi na puro salita ang journalist at inihalintulad pa kay Senador Antonio Trillanes IV na kilalang kritiko ng pamilya Duterte.

“Mr. Constantino, please produce your evidence that I am involved in illegal drugs. Wag kang dada para sumikat ha!” ani Pulong.

“F*ck you, pareha ra mo ni Trillanes puro satsat, so puwede ko rin sabihin nanay ninyo ni Trillanes burikat?” aniya pa sa Facebook post.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?