500

Mar 25, 2020 @ 21:25
By

Panlasa, pang-amoy ni Gobert naglaho

Nawalan daw ng pang-amoy at panlasa si Rudy Gobert, ipinapalagay niyang sintomas ng coronavirus.

Si Gobert ang unang NBA player na nag-postivie sa COVID-19, paglabas ng resulta ng kanyang test ay sinuspinde ng liga ang season.

“Just to give you guys an update, loss of smell and taste is definitely one of the symptoms,” tweet ng Utah Jazz center.

Ilang araw na raw siyang walang pang-amoy.

“Haven’t been able to smell anything for the last 4 days,” dagdag niya. “Anyone experiencing the same thing?”

Dating ‘unknown’ symptom ang loss of smell at loss of taste, madalas na nararamdaman ay lagnat, ubo, pangangati ng lalamunan.

Inaaral na rin kung posibleng isa sa sintomas ang kawalan ng pang-amoy at panlasa, dahil mukhang hindi nag-iisa si Gobert sa nakakaramdam nito.

“There have been a rapidly growing number of reports of a significant increase in the number of patients presenting with anosmia (loss of smell) in the absence of other symptoms,” anang pag-aaral ni Claire Hopkins, PhD, professor sa King’s College London.

Kailangan pa raw beripikahin ng World Health Organization ang teorya.

Ilang bansa, kabilang ang South Korea, China at Italy, ang nag-uulat na may pasyente silang nakakaranas ng loss of smell.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?