72

By

Panibagong 36 bloke ng cocaine natagpuan sa Davao Oriental

Nakitang palutang-lutang ang may 36 na bloke ng cocaine sa baybayin ng Caraga, Davao Oriental nitong Lunes.

Tinataya umanong nasa P200 million ang halaga nito.

Dinala na ang mga cocaine sa Philippine Drug Enforcement Agency sa Region 11 (Davao Region).

Matatandaang kamakailan, 34 na bloke na ng hinihinalang cocaine ang nakita sa Surigao del Sur na may kaparehong markings sa natagpuan ding pakete ng cocaine sa Dinagat Island.

Panibagong package din ang narekober na may halagang P5.2 million sa bayan ng Paracale, Camarines Norte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?