86
Pangunguha ng China ng mga giant clam sa Scarborough, aaksiyunan ng DFA
By

Pangunguha ng China ng mga giant clam sa Scarborough, aaksiyunan ng DFA

Kikilos na ang Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa China hinggil sa ulat na malawakang pag-aani nito ng malalaking clams sa Panatag Shoal.

Sa tweet ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr., nahuli na umano nila noon ang mga Chinese fishermen kaya magsasagawa na sila ng legal action laban dito.

“We just caught them doing that recently, filed a diplomatic note, and will be taking legal action. With our legal department now,” saad ni Locsin.

Kaugnay ito ng report ng mga Pinoy na mangingisda tungkol sa “mass harvesting” ng mga giant clams ng mga barko ng China sa Scarborough.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?