219

Apr 1, 2020 @ 23:03
By

Pangulong Duterte nagalit, mga nangugulo sa panahon ng ECQ, barilin!

Napundi si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga grupong nagpasimuno ng kaguluhan sa Quezon City na nauwi sa arestuhan dahil sa isyu ng rasyon ng pagkain.

Sa kanyang mensahe sa bayan nitong Miyerkules ng gabi, binalaan ng Pangulo ang mga makakaliwang grupo na huwag magpasimuno ng kaguluhan dahil ipakukulong ang mga ito hanggang sa matapos sa matapos ang problema sa coronavirus disease 2019.

Inatasan ng Presidente ang mga pulis at militar pati na ang mga opisyal ng barangay na kapag nagkagulo at nalagay sa alanganin ang kanilang buhay ay barilin ang mga ito.

“My orders sa pulis, military at barangay na kapag nagkagulo at nagkaroon ng okasyon na lumaban at ang buhay nyo ay nalagay sa alanganin, shoot them dead,” anang Pangulo.

Ipapalibing aniya nito ang mga manggugulo kaya huwag subukan ang gobyerno dahil hindi. Inutil ang kanyang administrasyon.

Kasabay nito binakbakan ni Pangulong Duterte ang mga makakaliwang grupo dahil sa pambabatikos sa mabagal ba distribusyon ng rasyon ng pagkain para mga mahihirap.

Ipinamukha ng Pangulo sa mga makakaliwang grupo na hindi sila bahagi ng gobyerno kaya tigilan ang pambabastos at pambabatkos sa mga ginagawa ng gobyerno.

“I am addressing the left na yung pambabastos ninyo yung slamming about the distribution. Remember kayong mga left: you are not the government.

Naintindihan nyo yan? Hindi kayo nasa gobyerno and you cannot be a part of what we are planning todo for the nation,” dagdag ng Pangulo.

Huwag aniyang subukan ang mga Pilipino dahil nakahanda ang gobyerno at hindi mangingimi ang mga sundalo para barilin ang mga ito.

“Huwag ninyog subukan ang Pilipino. Do not try to test it. Alam mo we are ready for you. Gulo o barilan o patayan, I will not hesitate my soldiers to shoot you. I will not hesitate to order the police to arrest and detain you,” wika pa ng Pangulo.

Matapos ang nangyaring kaguluhan sa Quezon City ay nagsalita si Bayan secretary general Renato Reyes at Ipinagtanggol ang mga inarestong nagpasimuno ng kaguluhan dahil sa aniya ay mabagal na pagkilos ng gobyerno para alalayan ang mga nagugutom na mga Pilipino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?