1,525

By

Pangulong Duterte gustong tumulad kay Rizal, handang magpa-firing squad dahil sa war on drugs

Nakahanda si Pangulong Rodrigo Duterte na pagbayaran ang mga napatay sa war on drugs sakaling kasuhan at parusahan siya.

Sinabi ng Pangulo na hindi siya aatras sa kanyang kampanya at talagang hahabulin niya para panagutin ang mga sangkot sa ilegal na droga hanggang sa huling araw ng kanyang termino.

Aminado si Pangulong Duterte na mahirap talagang panatilihin ang law and order sa Pilipinas dahil sa impluwensiya ng illegal na droga at nagiging dahilan ng mga karunal-dumal na krimen.

Kapag aniya inusig siya at hinatulang mabilanggo at mamatay ay gugustuhin nitong ma-firing squad gaya ni Jose Rizal para dalawa na silang na-firing squad.

“If I die, if they hang me or put me to jail,that’s okay. I don’t have a problem with that. If they ask me to pay, if they sentence me to death,its okay. But i prefer firing squad just like Rizal. At least there will be two of us,” anang Pangulo.

Sinabi pa ng Presidente na mas gugustuhin niya ang ma-firing squad kaysa mamatay sa bangungot o kaya ay mamatay sa cancer na kagaya ng ipinagpipilitan ni dating senador Kit Tatad na sakit nito.

“Kill me in Luneta. I would prefer to die that way rather than while having a nightmare in my sleep. Or I might die from what Tatad said I had,” dagdag pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?