116

By

Pangulong Duterte bibisita sa mga biktima ng landslide sa Cebu

Nakatakdang bisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Biyernes ang mga biktima ng malagim na landslide sa Naga City, Cebu para personal na ipaabot ang pakikiramay sa pamilya ng mga ito.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na inaasahang kukumustahin din ng Presidente ang may 300 pamilya na naapektuhan ng landslide na ngayon ay pansamantalang nanunuluyan sa apat na evacuation center.

Posible ring magsagawa ng aerial inspection ang Pangulo para makita ang lawak ng pinsala ng landslide dulot ng quarrying sa lugar.

“Papunta po si Presidente aa Naga,Cebu para makiramay sa mga nasawi sa landslide,” ani Roque.

Pagkatapos ng pakikiramay ay didiretso ang Pangulo sa Mactan para magsalita sa isang forum ng mga doktor.

Nauna rito ay kinansela ang schedule ng Pangulo ngayong araw sa Pasay City para personal na makita ang sitwasyon ng mga biktima ng landslide sa Naga City, Cebu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?