59

Jun 30, 2020 @ 19:35
By

Panggigipit! Mga nagsasaya sa kapalaran ng ABS-CBN binanatan ng talent manager

Malinaw daw na panggigipit ang pagpapatigil sa operasyon ng ABS-CBN pati na ng TV Plus at Sky Direct nito, ayon sa manager ng ilang sikat na celebrity at presidente ng Cornerstone na si Erickson Raymundo.

“Hindi ako makapaniwala na pwede talagang mangyari ito sa panahon ngayon. Malinaw na panggigipit. Nakakapanghina. My heart goes to all my friends in ABS CBN,” Facebook post ni Raymundo matapos maglabas ng dalawang cease and desist order ang NTC laban sa TV Plus at Sky Direct nitong Martes.

Dismayado rin siya sa mga nagsasaya pa sa nangyayari sa media company.

“Shame to those who rejoice at the misfortune of others. This is clearly a malicious effort done in broad daylight. But the fight is not yet over. Praying for the majority of our congressmen to vote in behalf of reason, facts, and compassion,” pahayag pa ng manager ni Sam Milby, Yeng Constantino at ilan pang celebrity.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?