73
Panggigipit kay Ressa, banta sa press freedom - Hontiveros, De Lima
By

Panggigipit kay Ressa, banta sa press freedom – Hontiveros, De Lima

Itinuturing nina Senadora Risa Hontiveros at Senadora Leila de Lima na malaking banta at dagok sa kalayaan ng pamamahayag ang pag-aresto kay Rappler chief executive Maria Ressa.

Bagaman pribadong negosyante ang nagsampa ng kasong cyber libel na dahilan ng warrant of arrest laban kay Ressa, sinabi ni Hontiveros na kagagawan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakaamba umanong maging diktador.

“Yesterday was a sad, dark day for Philippine press freedom. By sending award-winning Rappler CEO and TIME Person of the Year Maria Ressa to jail, President Rodrigo Duterte once more twists the law in an attempt to silence voices of truth and dissent,” sabi ni Hontiveros.

“It is the latest display of Duterte’s authoritarian tendencies, and much like other would-be dictators, his distate for the free and principled press,” sabi pa rin ni Hontiveros.

Wala aniyang duda ang ginawa kay Ressa ay indimidasyon sa lahat ng mga nasa media na kritikal sa pag-uulat ukol sa administrasyon.

Pero tiyak umanong hindi magpapasindak ang mga nag-uulat ng tama ukol sa administrasyon.

Sinabi naman ni De lima maliwanag na ang ginawa kay Ressa ay paniniil sa kalayaan ng pamamahayag at pagpapatahimik sa mga nagbubulgar ng mali sa administrasyon.

Tinuligsa naman ang National Bureau of Investigation (NBI) na dumakip kay Ressa dahil nagpapagamit umano sa panggigipit ng administrasyon tulad ng Department of Justice (DOJ).

Idiniin na wala namang kaso dapat si Ressa dahil ang ipinaparatang ditong cyber libel ay nangyari nung Mayo 2012, apat na buwan pa bago maging batas ang libelo sa cyber space.

Isinampa ang kasong cyber libel laban kay Ressa noong 2018, malayo na sa isang taong palugit para magsampa ng kaso para sa cyber libel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?