25

By

Pangasinense wagi sa beauty pageant sa Malaysia

Pangasinan’s pride, ito ang maituturing kay Jessa Mae Magnayo de Vera matapos siyang tanghaling 2nd runner-up sa Ms. Cosmo World na tinanghal sa Malaysia nitong October taong kasaluyan.

Si Jessa, 21, ay nanalo sa nasabing kompetisyon laban sa iba’t ibang bansa sa buong mundo.

Sa panayam, ayon sa ama ni Jessa na si Gerardo de Vera, bata pa lang umano si Jessa ay hilig na niya ang sumali sa mga beauty pageant sa kanilang lugar sa Barangay Nagilaya, San Carlos City, Pangasinan.

“Talagang hilig po niya ang beauty pageant buhat noong bata siya,” anang ama ni Jessa na si Gerardo de Vera. “Pinapabayaan lang namin siya dahil ‘yun ang gusto niya at binibigyan na lang namin ng suporta sa kanyang pagsali sa mga contest.”

Ayon kay Gerardo, sinabi ni Jessa na ang tagumpay niya ay hindi lamang sa kanya kundi sa buong Pilipino at sa lalawigan ng Pangasinan.

Si Jessa ay nakatakdang umuwi sa Pangasainan mula sa Malaysia sa linggong ito at salubungin ng lokal na gobyerno ng Pangasinan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?