419
Pangarap nila ni Rico Yan, tinutupad ni Marvin
By

Pangarap nila ni Rico Yan, tinutupad ni Marvin

Binati ni Marvin Agustin ang kanyang “brother” na si Rico Yan na ngayong March 14 ang kaarawan.

Sa kanyang Instagram account ay inalala ni Marvin ang mga saya at kalokohan nila ni Rico noon lalo na umano ang pagkakaibigan nila at ang kabutihan ng namayapang aktor.

Tinutupad din nila ni Dominic Ochoa ang pangarap nilang magkakaibigan gaya ng pagtakbo ng una bilang konsehal at ang pagnenegosyo ni Marvin.

“Bro, mga pangarap natin etong tinutupad namin. Si @domochoatumatakbo bilang konsehal. Ibulong mo dyan kay Lord na manalo, ok tong bata natin. Ako naman patuloy na nagaartista at nagnenegosyo. Masaya ako sa mga narating namin, madami pa pangarap pero may saya at payapa na isip at puso,” sabi sa caption ni Marvin.

Kalakip ng kanyang post ang poster ng unang pelikula ni Marvin kasama si Rico na “Flames”.

Pinasalamatan din ni Marvin ang entertainment industry dahil dito nabago ang buhay niya at ng kanyang pamilya.

View this post on Instagram

Happiest birthday my brother… hinding hindi ko makakalimutan ang mga saya at kalokohan natin. Lalo na ang friendship at kabutihan mo. Im sure mas nageenjoy ka dyan sa langit! Love you bro! #RY Bro, mga pangarap natin etong tinutupad namin. Si @domochoa tumatakbo bilang konsehal. Ibulong mo dyan kay Lord na manalo, ok tong bata natin. Ako naman patuloy na nagaartista at nagnenegosyo. Masaya ako sa mga narating namin, madami pa pangarap pero may saya at payapa na isip at puso. . #FLAMES was my first movie. These people in the pic are the people i just used to watch on tv. Magagaling at mabubuting tao. Hanggang ngayon, araw-araw nagpapasalamat ako na nabago ng entertaiment industry ang buhay ko at ng pamilya ko.

A post shared by M A R V I N (@marvinagustin) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?