81
Pangarap ko, bayang maunlad na walang maiiwan – Bam Aquino
By

Pangarap ko, bayang maunlad na walang maiiwan – Bam Aquino

Kailangan umano ng bansa ng isang Senado na handang magtrabaho para sa pamilyang Pilipino at magiging sandigan at kakampi ng taumbayan.

Sa pagsasalita ni Senador Bam Aquino sa Senatorial Forum na inorganisa ng Rappler at Ateneo School of Government at ginanap sa Ateneo de Manila University, pangarap umano niya ay bayang maunlad na walang maiiwan. Mayaman man o mahirap.

Aniya, mahalaga umano ang bawat Pilipino at hindi dapat ginagawang collateral damage lang.

Siya umano, ang hinahanap niya ay isang independent na Senado, na hindi lang sunud-sunuran kundi kayang makipagsabayan at Senado na handang tumutol at lumaban para sa kapakanan ng pamilyang Pilipino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?