38

By

Pangalan ni Duterte ginagamit para mangolekta ng campaign fund – Palasyo

Nagbabala ang Malacañang sa publiko kaugnay sa pangungulekta ng campaign funds para sa eleksiyon ng ilang tao gamit ang pangalan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nakarating sa tanggapan ng Pangulo na ginagamit umano ng ilang scammer ang pangalan ng Presidente para mangilak ng pondo o election materials para sa mga kandidatong inendorso nito.

Sinabi ni Panelo na walang binigyan ng pahintulot ang Pangulo na kahit sino para mag-solicit ng pera para sa eleksiyon.

“It has come to the attention of the Office of the President that President Rodrigo Roa Duterte’s name has been used or dropped to solicit or accept campaign funds, contributions or materials in favor of the senatorial candidates he has personally endorsed,” ani Panelo.

Kahit aniya mga ahensiya ng gobyerno ay hindi binigyan ng permiso ni Pangulong Duterte para manghingi ng donasyon.

Dapat mabatid ng publiko na ang mga ganitong aktibidad ay taliwas sa prinsipyong isinusulong ng Duterte administration.

Hinikayat ni Panelo ang publiko na ireport agad sa National Bureau of Investigation (NBI) at iba pang law enforcement agencies kapag may mga taong lumapit sa kanila at humingi ng salapi gamit ang pangalan ng Presidente.

Mabigat na parusa aniya ang naghihintay sa mga taong mapapatunayang sangkot sa money-making scheme kaya dapat ngayon pa lamang ay itigil na ng mga scammer ang kanilang ginagawa kung ayaw na maharap sa mabigat na parusa.

“This is yet another money-making scheme and those involved in this scam shall be dealt with in accordance with law.

The general public is therefore forewarned and violators given a stern warning to cease and desist from these unlawful activities,” dagdag pa ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?