2,504

By

Pang-NBA ang lundag! Dakdak ni Ricci, dumagundong sa foreign media

May bagong Pinoy na tumatak sa isip ng international sports fan.

Walang iba kundi ang UP Fighting Maroon na si Ricci Rivero.

Sa kanyang unang puntos para sa State U, pasabog na alley-oop slam agad ang pinakawalan ni Ricci.

Maging ang ibang media entity sa ibang bansa tulad ng Barstool Sports at Bleacher Report, napahiyaw sa dakdak ng athletic guard.

“Get Ricci Rivero to the NBA IMMEDIATELY,” tweet ng Barstool Sport.


“THIS DUNK IS WILD,” sey naman ng Bleacher Report.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?