144

By

Panelo sa kiksilog isyu: Kinakain lang ‘yun kung wala na makain

Aminado si Presidential Spokesperson Salvador Panelo na may pagkukulang ang organizer ng SEA Games kaugnay sa mga kakainin ng mga atleta.

Aniya, ang pinakain sa Philippine women’s football Lunes ng umaga na “kiksilog” o kikiam, sinangag at itlog ay “kinakain lang kung medyo wala ka na makain.”

“Oo nga eh hindi ko malaman eh. Alam mo, kinakain lang ‘yun kung medyo wala ka na makain,” ani Panelo.

Iimbestigahan naman umano kung ano ang nangyari dahil maging ang kakulangan ng mga halal food ay inireklamo ng mga delegado na mula sa ibang bansa gaya ng Thailand.

“Ay naku, kaya nga kailangan ‘wag sila matutulog sa pansitan kaya pati si Senator Bong Go nag-deliver ng privilege speech, nababanatan sila eh,” dagdag pa ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?