35

By

Panelo mahilig sa bonsai, pagtugtog ng piano

Kung motorsiklo ang hilig ni Pangulong Rodrigo Duterte, iba naman ang trip ni Presidential Spokesman Salvador Panelo para makapag-relax.

Ayon sa kalihim, nag-aalaga ito ng tanim na bonsai o kaya ay nagpa-piano ito at tinutugtog ang sariling komposisyon.

Hilig din aniya nito ang pagsasayaw o kaya ay mag-exercise kapag gusto nitong mag-relax pagkatapos ng trabaho.

” Nag-aalaga ng bonsai, nagpa-piano ng sariling komposisyon, nag-e-exercise, nagsasayaw ang dibersiyon ko,” ani Panelo.

May kanya-kanya aniyang pampa-relax ang mga tao, gaya ni Pangulong Duterte na hindi mapigil sa pagmo-motor kahit sumemplang ito kamakailan.

Kahit aniya sumasabak sa isang linggong trabaho ay kailangan ding magpahinga at mag-relax para mabawasan ang stress sa katawan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?