1,218

Feb 19, 2020 @ 19:14
By

Panelo kay DJ Chacha: Baka siya gustong mag-apply na bodyguard ni Duterte

Mistulang kinantiyawan ng Malacañang si DJ Chacha o Czarina Balba kaugnay sa banat nito kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa na mag-resign na lamang ito at mag-apply bilang bodyguard ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Natatawang sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na baka si DJ Chacha ang gustong mag-apply bilang bodyguard at hindi si Senador Dela Rosa kaya ito nagbitaw ng ganoong pahayag.

Pero hindi aniya papatulan ng Palasyo ang radio DJ dahil hindi naman nila kilala ito.

“Baka naman siya ang gustong mag-apply, hayaan mo na lang siya,” ang maiksing pahayag ni Panelo.

Binanatan ni Balba si Dela Rosa sa kanyang Twitter account matapos ihayag ng senador na sinusuportahan nito ang posisyon ni Pangulong Duterte sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Nakabitin pa rin ang franchise renewal ng nabanggit na TV network na nakatakdang mag-expire sa Marso 30 dahil hindi pa ito umuusad sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?