44
Panelo ‘good match’ kay Clooney - Duterte
By

Panelo ‘good match’ kay Clooney – Duterte

Itatapat ng Malacañang si Presidential Spokesman at Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo kay human rights lawyer Amal Clooney.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng ulat na tutulong si Clooney sa mga kasong kinakaharap sa bansa ni Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa.

Sinabi ng Pangulo na hindi na kailangang maghanap ng ibang abogado para ipanlaban kay Clooney dahil kaya na aniya ito ni Secretary Panelo.

Ayon kay Pangulong Duterte, “good match” sina Panelo at Clooney kung batas rin lang ang pag-uusapan.

“Kaya naman ni Panelo ‘yan. Panelo, he’s a good match,” ang Pangulo.

Matatandaang nahaharap sa sampung iba’t ibang kaso sa korte si Ressa na may kinalaman sa tax evasion, cyber libel at ang pagbawi sa lisensiya ng Rappler dahil sa paglabag sa batas ng Securities and Exchange Commission (SEC).

Sinabi naman ni Panelo na excited itong makaharap si Amal Clooney kung sakali, pero hindi aniya ito puwedeng mag-abugado kay Ressa dahil hindi ito miyembro ng Integrated Bar of the Philippines.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?