184

By

Panelo: Death threats sa mga pari, pakana ng anti-Duterte

Posible umanong gawa ng mga galit kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga death threat na natatanggap ng mga pari para pasamain ang imahe ng una.

Ani Presidential Spokesperson Salvador Panelo, pinakamadali umanong paraan ang pagpapadala ng pagbabanta sa pamamagitan ng text messages dahil hindi matutukoy kung saan nanggaling.

“(It) could be coming from pranksters, or could be from anti-Duterte trolls to put PRRD (President Rodrigo Roa Duterte) in bad light or from personal enemies of the priests,” ani Panelo.

Nitong Lunes nang ipakita sa publiko nina Fathers Flavie Villanueva, Robert Reyes at Albert Alejo ang mga natatanggap nilang death threats.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?