144
‘Ang laki nga ng selda niya’ - PNP sa alegasyong hindi patas na trato kay De Lima
By

Panakot sa UN Human Rights Council: Scandal ni De Lima ilalabas ni Duterte

Mapapahiya lang ang United Nations Human Rights Council (UNHRC) kapag nagpilit silang mag-imbestiga sa human rights situation sa bansa.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng inihaing resolusyon ng bansang Iceland sa UNHRC para makakuha ng report ng human rights sa Pilipinas.

Sinabi ng Pangulo na hahayaan niyang mag-imbestiga ang UN dahil kapag nakita ang kaso ni detained Senator Leila de Lima ay tiyak na mapapaisip ang mga ito.

Lilitaw aniya ang kuwestiyon sa moralidad ng senadora at maglalabas ito ng video clips kaugnay sa umano’y sex video nito.

“Let’s face it. But they — they can. But tayo lahat. They will realize that ‘yung kay De Lima, masadsad talaga kayo diyan. Eh naniwala sila doon sa ano eh… if I be called in court, “Ms. De Lima, are you a moral person?” Then I will show you some clips. “Is this how you remain moral?” Now, sige sabihin ko sa mga ano,” anang Pangulo.

Kailangan lamang aniyang sabihin ng UN ang kanilang planong pagpunta sa Pilipinas para masigurong hindi sila magdadagdag ng intriga.

Sinabi pa ng Pangulo na maaring magtanong ang mga ito sa media at ipakita ang mga video clips para mapatunayang walang pang-aabuso sa karapatang pantao , pati na ang sinasabing extra judicial killings sa bansa.

“They better go to the media and the media will tell them the truth. Eh ipalabas ninyo ‘yung footages ninyong lahat and all, and that will clear everybody,” dagdag pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?