65

Mar 9, 2020 @ 17:00
By

Panagbenga 2020 kanselado na dahil sa coronavirus

Inanunsyo ni Baguio Mayor Benjamin Magalong na kanselado na ang lahat ng Panagbenga Festival 2020 events dahil sa coronavirus (COVID-19).

Batay umano ito sa rekomendasyon ng Baguio Flower Festival Foundation Inc.

Sinuspinde rin ng Cordillera Administrative Region Atlethic Association ang night market operation sa loob ng 14 araw simula Marso 10, 2020, ayon sa PIA Cordillera.

Magaganap sana ang Grand Opening Parade sa Marso 21.

Nitong Lunes, sumampa na sa 20 ang infected ng coronavirus sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?