288

Feb 14, 2020 @ 18:53

Pampatay na bulaklak inalay ngayong Valentine’s

Bukod-tangi ang inalay na bouquet sa isang babae ngayong Araw ng mga Puso: pampatay na bulaklak.

“Patay na patay” kasi ang nobyo ni Atty. Mary Zoelli Velasco, kaya inalayan siya ng funeral flowers. Meron pang nakapatong na heart stuffed toy at pink envelope sa gitna ng flower arrangement.


Binahagi ito sa Twitter ng workmate ni Velasco na si K Manuel (@theklmanuel), Pebrero 14, at makalipas lang ang tatlong oras ay umani na ito ng 2.1K retweets at 17.8K likes.

Tugon ng nakabusangot na si Velasco, “Patay na patay ka rin sa akin -.-”

“Hindi creepy” ang Valentine’s surprise “kasi boyfriend naman niya nagbigay and it’s cheeky biruan between them so it’s actually sweet,” paglilinaw ni Manuel.

“although admittedly slightly embarassing kasi slightly pinagkaguluhan sa office hahahahahahahahaha,” lahad pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?