152

By

Pampasalubong sana: Nanay na nag-shoplift sa 7-Eleven huli

Arestado ang isang 55-anyos na nanay matapos tila mag-grocery ng mga tsokolate, de lata at tinapay sa loob ng 7-Eleven convenience store sa San Juan City, Biyernes ng umaga.

Batay sa ulat sa Eastern Police District (EPD), nakilala ang suspek na si Jessica Cruz, residente ng San Juan City at nahaharap sa kasong theft.

Naganap ang insidente bandang alas-9:15 ng umaga, Oktubre 18, 2019, sa loob ng 7/11 convenience store na matatagpuan sa Gold Land Building, Eisenhower St., Barangay Greenhills, San Juan City nang mapansin ni Mann Lee Aso, 45-anyos, store manager ang kahinahinalang kilos ng suspek.

Agad niya itong binantayan sa CCTV monitor at naaktuhang nagsisilid ng assorted grocery items na umabot sa halagang P647 at nilagay sa kanyang dalang eco bag.

Matapos sitahin ang suspek sa dalang bag ay dinala na ito sa barangay hall para sampahan ng kaso saka dinala sa San Juan Police station.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?