165
Pamilya ni Rondina, dumating na sa Maynila
By

Pamilya ni Rondina, dumating na sa Maynila

Sinundo ni UAAP Season 81 women’s volleyball MVP Cherry Ann ‘Sisi’ Rondina ang kanyang pamilya sa NAIA Terminal 4 Martes para makanood sa Game 2 Finals ng UST Golden Tigresses at Ateneo Lady Eagles Miyerkoles sa Mall of Asia Arena.

Matatandaan na isang anonymous UST alumni ang sumagot sa lahat ng gastos para lang mailipad ang pamilya ni Rondina pa-Maynila mula Cebu.

Isang matamis na yakap ang isinalubong ni Sisi sa kanyang mga magulang na sina Arnold at Alona gayundin sa kanyang mga kapatid na sina Christina, Karen at Criselda.

Bukod sa pamilya ni Sisi, inilipad din pa-Maynila ng UST community ang pamilya nina setter Alina Bicar mula Samar at opposite spiker Dimdim Pacres mula Cebu.

Extra motivated ngayon si fifth year graduating Rondina lalo pa’t masasaksihan live ng kanyang pamilya ang hagupit ng kanyang mga palo para sa Uste.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?