30

Mar 26, 2020 @ 15:42
By

Pamilya ni Bongbong, negatibo sa COVID-19

Walang coronavirus ang pamilya ni dating Senador Bongbong Marcos, batay ito sa asawa niyang si Liza.

Ito’y matapos na ibahagi ni Senadora Imee Marcos na pagkagaling ng Spain ay sumama umano ang pakiramdam ng kanyang kapatid kaya nagpa-test sa COVID-19.

Pinabulaanan ni Liza na dinala ang kanyang asawa sa Singapore sakay umano ng chopper ni Chavit Singson, at sinasabing hindi naman kritikal ang katayuan nito.

“He was not airlifted in Manong Chavit’s plane to get treatment in Singapore. He is not dying nor is he dead,” saad ni Liza.

Kasunod nito’y inanusyo na ang staff at silang pamilya ay nagnegatibo naman sa COVID-19, at hinihintay pa ang resulta ng kay Bongbong.

“We are taking the COVID-19 outbreak seriously and have instituted sanitation procedures here at home. We hope you and your family can do the same,” saad nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?