41
Lolo patay sa pamamaril sa Davao del Sur
By

Pamilya hinoldap sa harap ng bahay, tatay sugatan

Sugatan ang isang tatay matapos barilin ng isa sa tatlong ‘di kilalang magnanakaw na nangholdap sa kanila sa harapan mismo ng kanilang tahanan sa Antipolo City, Martes ng gabi.

Nagtamo ng isang tama ng bala sa balikat ang biktimang si Anthony Alberto,matapos barilin ng mga suspek na mabilis namang nagsitakas matapos tangayin ang mga alahas at cash na kinuha ng mga ito mula sa nasabing tahanan.

Batay sa ulat ng Antipolo City Police, dakong 9:00 ng gabi nang maganap ang krimen sa tahanan ng pamilya Alberto na matatagpuan sa Kingsville Heights, Barangay Inarawan, Antipolo City.

Kagagaling lamang umano ng pamilya sa mall sa Antipolo nang pagdating nila sa kanilang tahanan ay bigla na lang sumulpot ang tatlong lalaki na pawang nakasuot ng bonnet at pinaputukan si Alberto sa kaliwang balikat.

Inutusan rin ng mga suspek ang nanay na buksan ang pintuan ng kanilang tahanan at saka mabilis na hinalughog ang kabahayan at tumangay ng mga alahas at cash na nagkakahalaga ng P30,000 bago mabilis na tumakas.

Nang makaalis ang mga suspek ay humingi ng tulong ang mga biktima sa kanilang mga kapitbahay upang maisugod sa pagamutan si Alberto at malapatan ng lunas bago nag-report sa pulisya.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang mga holdaper ng pamilya Alberto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?