55
Pambato ni Duterte na nasa narco list, maaaring matanggal sa partido – Pimentel
By

Pambato ni Duterte na nasa narco list, maaaring matanggal sa partido – Pimentel

Hindi kukunsintihin ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ang mga kandidato na nakasama sa narco list ng administrasyon.

Ito ang inihayag ng party president Senador Koko Pimentel matapos ilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte, na nagtaguyod din ng nasabing partido, ang narco list nitong Huwebes.

Saad ni Pimentel, posibleng maharap sa expulsion ang mga kasama sa narco list na pambato ni Duterte.

“If we find their explanation to be unsatisfactory, then we will expel them from the PDP-LABAN,” ayon kay Pimentel.

“The party has no place for narco-politicians as well as for corrupt officials. We do not want them in our party,” aniya pa.

Sa nasabing narco list, kasama ang 46 public official, 33 ay mayor, pito ay vice mayor, tatlong kongresista at isang board member.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?