56
Pambato ng ‘Pinas, wagi sa Miss Tourism International!
By

Pambato ng ‘Pinas, wagi sa Miss Tourism International!

Namayagpag na naman ang mga Pinay pagdating sa beauty contest matapos sungkitin ni Cyrille Payumo ang korona sa Miss Tourism International 2019.

Sinungkit ni Payumo ang titulo kontra sa 38 iba pang contestant nitong Biyernes sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Nasungkit din ni Payumo ang Best in National Costume special prize.

Naging blessing in disguise ito para sa bansa dahil hindi si Cyrille ang unang choice sa kompetisyon. Pinalitan niya si Tyra Goldman na binawalan sumali dahil sa dual citizenship nito.

Bukod pa rito, wagi din sina Gabriella Patricia Mandolang ng Indonesia (Miss Tourism Queen of the Year International), Kateryna Kachashvili ng Ukraine (Miss Tourism Global), Joanna Babynko ng Poland (Miss Tourism Cosmopolitan International), at Chan Sotima ng Cambodia (Dreamgirl of the Year International).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?