502

Pamangkin kay Duterte: Duwag!

“Next time kasi, don’t bluff kung di kayang panindigan” – ang payo ni Nuelle Duterte, pamangkin ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa administrasyon.

Matatandaang nangamba kasi si Duterte at iba pang pro-administration official sa pagbibigay ng classified information sa war on drugs kay Vice President Leni Robredo.

Inalok kasi ng Pangulo ang Bise Presidente na maging co-chair ng Inter-Agency Council on Anti-Illegal Drugs at tinanggap naman ito ng huli.

“Y’all look like cowards now, all because of one woman’s choice to accept the challenge you issued,” tweet nito noong Nobyembre 19.

“Then again, y’all are cowards to begin with. Lalo lang na-emphasize,” dagdag pa niya.

Tinuturing ni Nuelle ang sarili bilang “black sheep” ng pamilya Duterte at isang vocal critic ng pamumuno ng kanyang tito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?