151

By

Pamamaril sa basketball game, nakuhanan ng video

Narinig ang putok ng baril sa isang basketball game sa loob ng isang basketball stadium sa Dallas.

Sa video na binahagi ng @HeadsUpU, biglang nagtakbuhan ang mga manlalaro at manonood nang marinig ang ilang putok na mula sa baril.

Ayon sa Dallas police, isa umanong juvenile o out of school youth ang nabaril sa stadium.

Sinasabing dati umanong estudyante ng South Oak High School ang napuruhan na kaagad dinala sa ospital.

Sugatan din ang isang officer na tumutok sa laro nang madaplisan ng bala.

Wala pang suspek ang mga pulis sa nasabing pamamaril.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?