406

By

Palpak na benepisyo! SEAG gold medalist dinedma, pinagtawanan sa botika

“’Wag n’yo kaming minamaliit” – ang sentimyento ng isang gold medalist na pinagkaitan ng kanyang benepisyo, ilang araw lang matapos ang 30th Southeast Asian (SEA) Games.

Nag-ugat ang himutok ni Sandi Menchi Abahan, 2019 SEA Games Obstacle Course Racing gold medalist, nang bumili siya ng gamot sa Mercury Drug – Porta Vaga branch sa Session Road, Baguio City at sinubukang gamitin ang inaasahan nitong diskwento at benepisyo bilang atleta.

Batay sa RA 10699 o National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act, kinikilala at entitled ang mga national athletes at national coaches sa 20% diskwento sa iba’t ibang serbisyo, kabilang na sa mga bibilhing gamot.

Ngunit nang ipakita niya ang kanyang Athlete’s ID para mabigyan sana ng discount sa drug store ay tila ngiting may halong panunuya lang umano ang naging tugon sa kanya ng pharmacist sabay kwestiyon sa kanyang ID.

“I presented my athlete’s ID to avail of my supposed discount. The pharmacist judgingly smirked and said, “athlete’s discount?’,” himutok ng tinaguriang “Asian Circuit Queen” sa kanyang Facebook post.

Tinawag naman umano at tinanong ng pharmacist ang kanyang manager pero ayon sa atleta, dinedma pa rin siya at pinagtawanan pa.

“She called to ask her manager, pero hindi pa rin nila binigay. And the pharmacist seemingly found that funny,” dagdag nito.

Binulgar pa ng tubong Baguio na ultra-runner, na hindi lamang ito ang unang beses na nakaranas siya at mga kasamahang atleta ng pagbabalewala sa kanilang karapatan.

Nadismaya si Abahan dahil sa kabila ng kontribusyon at karangalang ambag nila sa bansa sa pamamagitan ng pagpapamalas nila ng kanilang talent at skills ay nababalewala din lang sila.

“This was not the first time. I’m tired of people not acknowledging this law. I’m tired of people that think “athletes lang kami”,” giit pa ni Abahan.


Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?