33
Kung ayaw mo eh ‘di huwag!
By ,

Palicte sa rematch kay Nietes: Kung ayaw mo eh ‘di huwag!

Sharing is caring!

Hindi pipilitin ng kampo ni Aston Palicte na muling makaharap si Donnie Nietes, pero kung hindi ito mangyayari kailangan nitong bakantehin ang World Boxing Organization (WBO) junior bantamweight title.

Sa panayam ng Inquirer kay Jason Soong, manager ni Palicte, kailangan umanong bakantehin ni Nietes ang kanyang titulo kung tatangihan nito ang rematch sa kanyang bata.

“As much as we don’t want to fight another Filipino, I owe it to Aston to give him another world title shot,” sabi ni Soong.

Matatandaan na nasungkit ni Palicte ang mandatory slot para maklaharap muli si Nietes nang pabagsakin si Puerto Rican Jose Martinez may ilang linggo na ang nakaraan.

Matapos makopo ang nasabing spot ay agarang iniutos ng WBO na pag-usapan ng dalawang kampo ang nasabing rematch.

Ang 36-anyos na si Nietes, ang may pinakamahabang reign bilang isang kampeon at four-time champion, ay gustong makaharap sina Juan Francisco Estrada at Srikaset Sor Rungvisai.

Huling nagharap ang dalawang Pinoy boxers noong Setyembre 2018 at naging kontrobersyal nang maging split draw ang desisyon nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?