58

By

Palasyo pinangalan ang boses sa likod ni ‘Bikoy’

Itinuro ng Palasyo na isang Bong Banal ang narrator sa lumabas na “Ang Totoong Narcolist’ video.

Sa briefing sa Malacañang, sinabi na si Banal ay isang miyembro at administrator ng ilang mga Facebook group at page na kontra kay Pangulong Rodrigo Duterte at suportado ang Liberal Party.

Ayon pa sa slide ni Banal sa briefing, nagtrabaho umano ito bilang photojournalist at graphic artist para sa Rappler, na matatandaang kasama sa matrix na nag-uugnay sa mga lumabas na video na nag-uugnay sa malalapit kay Duterte sa drug trade.

May kontribusyon din umano si Banal sa pagpapatalsik kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?