98
Palasyo: NFA hindi bubuwagin
By

Palasyo: NFA hindi bubuwagin

Pinawi ng Malacañang ang pangamba at agam-agam ng mga opisyal at empleyado ng National Food Authority (NFA) na lulusawin na ang ahensiya matapos maging batas ang Republic Act 11203 o Rice Tariffication Law.

Batay sa Section 8 ng bagong batas, mananatili pa rin ang NFA dahil inaatasan ang ahensiya na panatilihin ang sapat na buffer stock ng bansa at dapat na kukunin lamang ito sa mga lokal na magsasaka.

“The NFA shall, in accordance with the rules, regulations and procedures to be promulgated, maintain sufficient rice buffer stock to be sourced solely from local farmers,” anang nakasaad sa bagong batas.

Tinatanggal naman sa kapangyarihan ng NFA ang Food Safety Regulation nito na nakasaad sa food Safety Act of 2013, at sa halip ay inilipat na sa pangangasiwa ng Bureau of Plant Industry (BPI).

Sa ilalim ng Section 5 ng batas, inaatasan ang lahat ng importers ng bigas na kumuha ng sanitary at phytosanitary import clearance sa BPI bago pa man sila mag-angakt ng bigas.

Kapag nabigo ang BPI na magpalabas ng dokumento makalipas ang pitong araw nang hindi inabisuhan ang rice importer dahil sa kakulangan ng dokumento o ano pa mang dahilan ay awtomatikong maituturing na aprubado ang sanitary at phytosanitary import clearance application.

Matapos mapirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Rice Tariffication Law ay umalma ang mga opisyal at tauhan ng NFA dahil sa pangambang mabuwag ang kanilang ahensiya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?