275

By

Palasyo nakiramay sa pagpanaw ni Henry Sy

Nagpaabot ng pakikiramay ang Malacañang sa pagpanaw ng negosyanteng si Henry Sy Sr., ang founder ng SM shopping malls sa bansa.

Sa ipinalabas na statement ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, inilarawan nito si Sy bilang “visionary” at haligi ng Philippine economy, na naniniwala sa mga potensiyal at oportunidad ng bansa, nagsikap hanggang sa nagbunga ito.

“The Palace expresses its deepest and heartfelt condolences to the family, friends and colleagues of SM Group founder, Mr. Henry Sy, Sr., as well as to the legions whose lives have been touched by him,” ani Panelo.

Ayon sa kalihim, sinuong ni Sy ang negosyong kinatakukan ng maraming negosyante sa bansa at pinangunahan ang pagpapatayo ng malls, una ang SM North Edsa noong 1983.

Nagsimula aniya ang negosyo ni Sy sa isang maliit na tindahan ng sapatos sa Quiapo, Manila hanggang sa lumaki ito at nadagdagan sa iba’t ibang panig ng bansa.

“Mr. Sy was a visionary and pillar of the Philippine economy who believed in the potentials and opportunities of the country and pursued them with dedication, passion, and hard work till their fruition,” dagdag pa ni Panelo.

Si Sy ay pumanaw sa edad na 94, Sabado ng umaga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?