46

By

Palasyo nakiramay sa pagpanaw ni dating MinDA chair Alonto

Nagpaabot ng pakikiramay ang Malacañang sa pamilya, kamag-anak at mga kaibigan ni Datu Abdul Khayr Dangcal Alonto sa pagpanaw nito.

Si Alonto ay isang kilalang pulitiko at lingkod bayan sa Mindanao na nagsilbi sa iba’t ibang puwesto sa gobyerno.

Sa ipinalabas na statement ng Malacañang, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na inilaan ng dating opisyal ang kanyang panahon at propesyon para sa socioeconomic transformation ng Mindanao.

“The Palace expresses its deep symphaties and condolences to the family, friends, colleagues and loved ones of the late Secretary Datu Abdul Khayr Alonto,” ani Panelo.

Pinasalamatan ng Malacañang ang naging serbisyo ni Alonto sa gobyerno at umaasang magsilbing inspirasyon sa mga lider ng gobyerno ang naging kontribusyon nito para sa pagbabago ng Mindanao mula sa “land of promise” patungo sa “land of fulfillment”.

Sinabi ni Panelo na hindi nila makakalimutan ang pagiging palakaibigan at masayang presensiya ni Alonto sa gobyerno.

“The nation is grateful for his services and we are confident that his legacy would continue to inspire leaders, government workers and people to advance thei cause of peace and development in Mindanao,” dagdag pa ni Panelo.

Si Alonto ay dating vice-Mayor at Mayor ng Marawi City, naging assemblyman, naging interim head ng Regional Autonomous Government at kauna-unahang Muslim Chairperson at Secretary ng Mindanao Development Authority

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?