343

By

Palasyo nakaabang sa hatol sa Maguindanao massacre

Inaabangan na ng Malacañang ang promulgasyon o pagbaba ng hatol ng hukuman sa mga akusado sa Maguindanao massacre case sa December 19, 2019.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) secretary Martin Andanar, kaisa ng Malacañang ang sambayanan sa paghihintay sa magiging hatol ni Quezon City Regional Trial Court Judge Teresita Reyes sa mga akusado ng tinaguriang “trial of the century” .

” We are anxiously …anxiously waiting tayo dito sa promulgation ng Maguindanao massacre or Ampatuan massacre. Aabangan po natin ang full coverage ng promulgation,” ani Andanar.

Ikinagalak ng kalihim ang naging desisyon ng Korte Suprema dahil ang government TV station na PTV4 ang ginawang official television station na magko-cover sa buong promulgasyon.

Mahigit isang daan ang akusado sa naganap na karumal-dumal na krimen kung saan ang mga pangunahing suspect ay ang maimpluwensiyang pulitiko sa Maguindanao na pamilya Ampatuan.

Mula sa 58 na pinagpapatay, mahigit 30 dito ay mga kagawad ng media na nakabase sa Mindanao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?