84

By

Palasyo nagdalamhati sa pagpanaw ni dating US President George H.W. Bush

Ikinalungkot ng Malacañang ang balitang pagpanaw ni dating United States of America President George H. W.Bush.

Sa ipinalabas na pahayag ng Malacañang, ipinaabot ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang pakikiramay at dasal ng gobyerno at ng sambayanang Pilipino sa pamilya Bush gayondin sa mamamayan ng Amerika.

“The Palace is deeply saddened by the news of the passing of former President George Herbert Walker Bush of the United States of America,” ani Panelo.

Ang yumaong Presidente ay pang-41 na lider ng Amerika at naging tampok sa kanyang pamamahala ang kanyang foreign policy na naging daan sa pagtatapos ng Cold War.

Pinanindigan ni Bush senior ang pagpapatupad ng kalayaan at naging pamoso ang kanyang mga katagang “The anchor in our world today is freedom, holding us steady in times of change, a symbol of hope to all the world”.

Yumao si Bush sa edad na 94.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?