24

Mar 24, 2020 @ 18:54
By

Palasyo nagalak sa CPP-NPA ceasefire ni Joma Sison

Humiling ng unilateral ceasefire ang communist leader na si Jose Maria Sison bilang tugon sa panawagan ng United Nations ng global ceasefire dahil sa banta ng COVID-19.

Nagsalita ang Presidential Spokesperson na si Salvador Panelo ukol sa posibilidad na magdeklara ng ceasefire si Sison, at isa itong “positive development”.

“The recommendation of Mr. Jose Ma. Sison, founding chairperson of the CPP, to issue a declaration of a ceasefire addressed to the NPA purportedly in response to the call of the UN Secretary General for a global armistice, is a positive development,” ani Panelo.

“We therefore welcome the cooperation of all, including those in the Left, to realize our goal of absolute peace during these times,” dagdag pa niya.

Para kay Panelo, ang ceasefire ay isang magandang tanda para na rin matutukan ang kalusugan ng mga Filipino dahil nasa state of public health emergency at state of calamity dahil sa patuloy na pagkalat ng coronavirus.

“As Mr. Sison proposes concord to be realized during this global health crisis, it is also our hope that their group’s armed component on the ground would show genuine sincerity in laying down their arms and not use the occasion to mobilize their forces,” wika niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?