231

By

Palasyo: Mataas na rating ni Duterte patunay ng patuloy na tiwala ng tao

Ang pagtaas ng satisfaction rating ng administrasyon ay patunay umano ng hindi natitibag na tiwala ng tao kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa kaniyang pamahalaan, saad ng Malacañang, Martes (Marso 12).

Ito ang pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo matapos na ilabas ng Social Weather Stations (SWS) ang resulta ng survey na nagpapakita na tumaas ng 16 na puntos ang net satisfaction ng administrasyon mula sa +50 noong September 2018 ay naging +66 ito noong December 2018.

“The Palace considers this increase in satisfaction rating as a vote of public confidence and a demonstration of the people’s unshakeable trust to the present administration, which the polling firm classified as ‘very good,’” saad ni Panelo.

Bukod sa mataas na satisfaction rating ng Pangulo, ipinakita rin sa resulta ng SWS survey na ‘excellent’ ang ratings ni Duterte sa 2 sa 17 specific performance subjects – pag-promote sa women’s right, na humakot ng net satisfaction rating na +71; at ang building and maintenance ng public works, na nakakuha ng net satisfaction rating na +70.

Nakakuha rin ng ‘very good’ rating ang Pangulo sa pagtulong sa mahihirap (+68); pagprotekta sa human rights (+62) at pagrereconstruct sa Marawi City (+60).

“These figures are loud and clear repudiations of the critics and detractors of PRRD who have described him as misogynistic, anti-poor and anti-human rights, and who have taken turns in questioning the Build-Build-Build Infrastructure Program and lambasting the rehabilitation and reconstruction of Marawi,” saad ni Panelo.

“While the Administration never impelled the vocal minority from expressing their dissent, it is time they finally realize that a sizeable but silent majority has paid no attention to their endless tirades against PRRD and the Administration, as well as its policies, particularly with respect to the aforesaid matters,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?