29
Palasyo kumpiyansang malulusutan nina Nograles, Diokno
By

Palasyo kumpiyansang malulusutan nina Nograles, Diokno ang P75B insertion

Sharing is caring!

Hindi magiging isyu sa Malacañang ang banta ng tatlong mambabatas na dalhin sa Korte Suprema ang 2019 national budget sakaling makita na ibinalik ang 75 billion pesos pork insertion.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na karapatan ng mga mambabatas na iparating sa Kataas-taasang Hukuman ang kanilang kuwestiyon kung inaakalang tama sila.

Trabaho aniya ng mga mambabatas na itama ang inaakala nilang hindi naaayon sa batas at hayaang magpasya dito ang korte.

“It’s their right to question anything that they feel should be subject to petition before the Supreme Court. In fact, that’s their duty if they feel tama sila. Let the Supreme Court decide,” ani Panelo.

Nauna rito, inihayag nina Senador Panfilo Lacson at Senador Franklin Drilon na magpapasaklolo sila sa Korte Suprema kapag mapatunayang ibinalik ang bilyon-bilyong pisong pondo para sa pork barrel ng mga mambabatas.

Sinabi naman ni Congressman Rolando Andaya na sasama siya kina Lacson at Drilon matapos akusahan sina Budget Secretary Benjamin Diokno at Secretary to the Cabinet Karlo Alexi Nograles na tinatangka umanong imanipula ang budget para maibalik ang 75 billion pesos na pork barrel fund.

Ayon kay Panelo, kayang sagutin nina Diokno at Nograles ang bintang ni Andaya at walang nakikitang magiging epekto sa mga programang nakalinya sa pambamsang budget ang plano ng mga senador.

“I’m sure Diokno and Nograles have the competence and the expertise to respond to the allegations of Mr. Andaya,” dagdag pa ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?